Tunay na Kagandahan

Sa karamihan, hindi ko masyadong natatandaan ang mga alaala ko mula sa panahong 2010 hangang 2015 dahil hindi ako naging masaya sa mataas na paaralan. Ang mga estudyante sa paligid ko ay pawang mga nagbibinata at nagdadalaga. Akala ko ay isa ako sa mga masuwerteng pinagpala ng “puberty fairy,” ngunit pinabulaan ito ng mga sunud-sunod na masamang gupit at estilo. Hindi naging mabuti para sa aking pagpapahalaga sa sarili ang mataas na paaralan dahil parati kong inihahambing ang sarili ko sa iba, sikat man o hindi. Ikinahiya ko na mas malaki ako kaysa sa iba kong mga kaklase at naaalala ko na parang masamang panaginip ang pagtawag sa akin na “semi-ugly.”

Inaliw ko na lamang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga pahayag sa Tumblr tungkol sa kumpiyansa sa katawan at kung paano huwag mag-isip ng kakulangan sa sarili dahil lamang sa hitsura ng iba. Nakatulong naman ito ngunit ang Tumblr ay mayroon ding mga larawan ng mga payat na babae na puro may “thigh gap” kung kaya’t naisip ko na hindi ako kaakit-akit.

Ang mataas na paaralan ay hindi lamang panahon ng aking galit sa sarili. Ito ay panahon din ng One Direction. Naging isang tagapaghanga ako ng One Direction ilang buwan bago nila inilabas ang kanilang pangalawang plaka na “Take Me Home.” Halos maiyak ako noong una kong narinig ang kanta nilang Little Things. Pakiramdam ko ay para sa akin isinulat ang awit na ito (maliban sa mga parte tungkol sa freckles at tsaa).

Anu man ang sabihin tungkol sa One Direction, hindi maikakaila na ang lyrics ng Little Things ay maaaring makapag-paniwala sa kahit kanino na maganda siya. Madaling maliitin ang ating sarili sa dami ng mga halos hindi kapani-paniwalang perpektong mga tao sa media, sa mga magazine, mga artista, at mga modelo. Naaapektuhan nito ang ating pagpapahalaga sa sarili at pinapaniwala tayo na kailangan nating maging kamukha ng mga ito upang maging maganda.

Ang awit na ito ay mula sa pananaw ng isang tao na totoong nagpapahalaga sa kanyang kasintahan. Nagbibigay ito ng ilang mga pisikal na katangian at mga naiibang asal na maaaring ikahiya natin sa ating mga sarili ngunit sinasabi ng awit na ang mga maliliit na bagay na mga ito ay ang dahilan kung bakit ang isang tao ay natatangi at nagiging kaibig-ibig.

“You never want to know how much you weigh, you still have to squeeze into your jeans. But you’re perfect to me.” (Harry)

Ayon kay Kate Fox, “Concern with appearance is not just an aberration of Modern Western culture. Every period of history has had its own standards of what is and is not beautiful, and every contemporary society has its own distinctive of concept of the ideal physical attributes.” Sinabi niya na noong 1917, ang kanais-nais na babae ay may taas na 5’4” at timbang na 140 lbs. Lampas dalawang dekada na and nakakaraan, ang mga artista at modelo ay mas magaang ng 8% kaysa sa karaniwang kababaihan. Ngayon, ang timbang ng mga artista at modelo ay maaaring 23% na mas magaang kaysa sa karaniwang mga babae. Hindi aabot ng 5% ng mga babae ang makakaabot sa ganitong ehemplo ng media sa timbang. Kung ipagsasama ang sinasabing kanaisnais na hugis ng katawan at mukha, hindi aabot ng 1% ng mga babae ang mabibilang dito.

Dahil dito, ang mga batang babae na normal naman ang tibang ay nagnanais pa rin na bawasan ang kanilang timbang. Sa isang pag-aaral sa Amerika, 81% ng mga batang babae na may gulang na 10 taon ay nakapag-diyeta na. Sa isang pag-aaral naman sa Sweden, 25% ng mga batang babae na may gulang na 7 taon ay nakapag-diyeta na. Sa Hapon, 41% ng mga babae sa mababang paaralan ang nag-iisip na mataba sila. Ang iba sa kanila ay 6 na taon gulang lamang. Sa isang pag-aaral ng Harvard University, ipinakita na 2/3 ng mga batang babae na may gulang na 12 taon na kulang ang timbang ay nag-iisip pa rin na mataba sila. 50% ng mga 13 na taon gulang ay hindi masaya sa nakikita nila sa salamin. Ang mga may gulang na 14 na taon ay hindi rin masaya sa kanilang mga balakang at hita. 3 lamang sa 10 babae na 17 taon gulang ang hindi nag-diyeta at 8 lamang sa 10 babae ay hindi masaya sa kanilang hitsura (Fox 1997).

 

Perfect?.jpg

Sa ibang kaso naman, ang pagnanais na maabot ang antas ng kagandahan ay nagtutulak sa mga babae na baguhin ang kanilang anyo sa pamamagitan ng “plastic surgery.”

“According to the annual plastic surgery procedural statistics, there were 15.9 million surgical and minimally-invasive cosmetic procedures performed in the United States in 2015, a 2 percent increase over 2014. Since 2000, overall procedures have risen 115 percent, but the types of procedures patients are choosing are changing.” (American Society of Plastic Surgeons w.p.)

Ngunit sinabi ni Amy Alkon na “Being 50 and trying to look 25 through plastic surgery usually succeeds in making a woman look 45 and fembot-scary – an object of pity instead of an object of desire.”

You’ve never loved your stomach or your thighs, the dimples in your back at the bottom of your spine. But I’ll love them endlessly.” (Liam)

Pyramid of Attraction.png

Ang panglabas na anyo ay hindi lahat. Sa “attraction pyramid” ni Jen Kim, ang ilalim ng estruktura ay kalusugan at katayuan. Ang katayuan ay may dalawang bahagi: panloob at panlabas. Ang panloob na katayuan ay mga bagay tulad ng kumpiyansa at paniniwala. Ang panlabas na katayuan ay mga bagay tulad ng trabaho at mga materyal na pag-aari. Kung walang kalusugan at katayuan, wala ring atraksyon. Ang sunod na baitang ay ang emosyonal na koneksyon tulad ng tiwala at aliw, emosyonal na katalinuhan, kakaibahan, at pagka-misteryoso. “Naturally the emotional stage is where we fall in love and bond. This is the core of our mammalian brain” (Kim 2015). Sa tuktok ng piramide ay lohika. Sinisiguro nito na ang taong kausap natin ay praktikal na kaalyansa natin.

Sa isang artikulo tungkol sa “Laws of Attraction,” sinasabi na may limang patakaran na pag-aakit (The 5 Laws of Attraction w.p.).

  • Beauty
    • Panlabas na anyo ang unang nakakaakit
  • Mental Attraction
    • Ang pagka-akit sa pangkaisipan ay mas tumatagal
  • Proximity
    • Ang pagiging malapit sa isa’t isa ay nagbubunga rin sa pagka-akit
  • Exposure and Familiarity
    • Ang pakikipag-ugnayan at pagpapalagayang-loob ay nagpapakilala ng ibang kaakit-akit na katangian
  • Similarity
    • May kasabihan na “birds of a feather flock together.” Mas madaling maakit kung maraming pagkakatulad ang dalawang tao.

Mula sa iba’t ibang pag-aaral na nabangit, maaaring masabi na ang kulturang popular ang nagdidikta kung ano ang itinuturing nating pamantayan ng kagandahan. Ang ideolohiya na ito ang maaaraing tagapag-udyok ng paglikha sa kantang Little Things. Ang awit na ito ay sumasalungat sa estereotipo. Binibigyang-diin nito na ang mga sariling katangian at pagkakaiba ang nagpapaganda sa atin. Nilalabanan nito ang isang popular na pag-iisip tungkol sa panglabas na kagandahan sa pamamagitang isang popular din na teksto – “pop music.”

Ang pangkasalukuyang pag-iisip tungkol sa kagandahan ay tatanawin ng hinaharap bilang bahagi ng kasaysayan. Sa ganoong panahon lamang natin malalaman kung anong pananaw tungkol sa kagandahan ang mananaig.

 

Mga Sanggunian:

@aceshowbiz. “Video Premiere: One Direction’s ‘Little Things'” http://www.aceshowbiz.com. 2012. Kinuha Setyembre 19, 2016. http://www.aceshowbiz.com/news/view/00055166.html.

Fox, Kate. “Mirror, Mirror: A Summary of Research Findings on Body Image.” Social Issues Research Centre. 1997. Kinuha Setyembre 19, 2016. http://www.sirc.org/publik/mirror.html.

Alkon, Amy. “The Truth About Beauty.” Psychology Today. Nobyembre 10, 2010. Kinuha Setyembre 19, 2016. https://www.psychologytoday.com/articles/201011/the-truth-about-beauty.

“New Statistics Reflect the Changing Face of Plastic Surgery.” American Society of Plastic Surgeons. Kinuha Setyembre 19, 2016. http://www.plasticsurgery.org/news/press-releases/new-statistics-reflect-the-changing-face-of-plastic-surgery.

Kim, Jen. “The Four Types of Attraction.” Psychology Today. April 7, 2015. Kinuha Setyembre 19, 2016. https://www.psychologytoday.com/blog/valley-girl-brain/201504/the-four-types-attraction.

“The 5 Laws of Attraction.” Laws of Attraction. Kinuha Setyembre 19, 2016. http://www.lawsofattraction.com/psychology/the-5-laws-of-attraction/.

Stewart, Dodai. “American Women Have Deep Pockets For Superficial Spending.” Jezebel. 2008. Kinuha Setyembre 19, 2016. http://jezebel.com/5038816/american-women-have-deep-pockets-for-superficial-spending.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s